Huwebes, Oktubre 2, 2014

KUNG PINOY KA....

Kung pinoy ka marahil lagi mong nararanasan yung pagsikip ng trapiko, makakita na nasnatchan sa Recto, magtago ng phone kasi kahinahinala yung muka ng makakasalubong mo, o kumain ng mga street foods sa kung saan. Saya ano? (tawa) Eto ang mga normal na araw araw nangyayari sa Pilipinas sa bandang Maynila.



Pahirapan sa pagsakay sa Lrt/Mrt





Paghihintay ng napakahabang traffic sa EDSA






Siksikan sa Jeep bago pumasok (Pahirapan pa Makasakay nyan)




Tapos biglang uulan, tapos wala palang Pasok(Nakakaasar no? Pero masaya ka naman, may gala kasi!)


Thanks to http://www.rappler.com/ for this photo


Eh syempre gabi kana uuwi diba? Mag mtr/lrt ka ngayon.(Asar!)




Edi nag fx/jeep ka nalang.(Kasi sikip sa MRT/LRT) Eh grabe namumula EDSA.




Tapos paguwi mo walang ulam!(Super Asar)





Sarap ano? Ang saya maging pinoy. (tawa) Kaya para sakin dapat araw araw sa bawat makakasalubong o makakausap mo dapat maging mabait ka, encourage mo sila. Kasi di mo alam hirap ng pinagdadaanan nila. Tapikin mo manlang sa braso at sabihing ingat , masaya na yan, o kaya sabihin mong kaya mo yan. Kaya naman kasi nila sinusuong(WOW! Lalim) yang ganyang traffic, ulan, siksikan eh kasi nagmamahal sila sa Pamilya. Yung mga studyante may pangarap sa buhay. Kaya wag ka agad manghusga. Ngitian mo sila. Di mo alam pinagdadaanan nyan. For sure bukod dyan sa napagdadaanan nila, may ibang problema pa yan. Problema sa pamilya, lovelife, grades, o sa boss. Kaya eto nalang huli kong maipapayo, Ingat! Maging mabait ka sa bawat taong makakasalubong mo.





Ngiti lang!




Oo nga pala, baka gusto nyong ilike yung fb page namin
Magmahalan, Online!




.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento